MAYNILA. Mas mataas na PhilHealth coverage ang maaaring asahan ng mga pasyente ng severe dengue, matapos itaas ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang hospital coverage ng hanggang 193%.
Ang anunsiyong ito ay kasabay ng ulat ng Department of Health (DOH) na patuloy na tumataas ang mga kaso ng dengue sa bansa.
Ayon sa PhilHealth, mayroon nang mas pinalawak na benefit package para sa mga pasyenteng may dengue. Mula sa dating P16,000, ang coverage rate para sa severe dengue ay itinaas sa P47,000. Samantala, ang coverage para sa mild dengue cases ay nadagdagan rin sa P19,500 mula sa dating P10,000.
Sinabi ng ahensya na ang bagong package rates ay bahagi ng pinahusay at ni-rationalize na mga benepisyo ng PhilHealth noong nakaraang taon, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na mas palawakin at pagandahin ang health insurance coverage para sa lahat ng miyembro.
Sa patuloy na pagdami ng dengue cases, inaasahang malaking tulong ang mas mataas na PhilHealth coverage sa gastusin ng mga pasyente at kanilang pamilya.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo