PhilHealth premium contributions, magtataas sa 2024

0
452

May babala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tataas ang premium contributions nito sa susunod na taon matapos ang pagkasuspindi nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kanyang predecessor na si Rodrigo Duterte sa dalawang naunang hike.

Sa pahayag ni Rey Balena, ang acting VP ng PhiHealth corporate affairs group, nakatakdang itaas ang premium contributions sa 2024 ayon sa Universal Healthcare Law.

“Kung hindi magkakaroon ng amyenda sa batas, ‘yan ay ating ipapatupad kasi nangako tayong i-implement,” aniya sa isang panayam.

Ayon sa schedule, inaasahang tataas ang contribution rate ng 5 porsyento na mayroong ceiling na P100,000. Ang kasalukuyang contribution rate ay 4 porsyento.

Dagdag pa ni Balena, bago pa man ang pagtaas ng PhilHealth, naipatupad na ng state insurer ang pagpapahusay sa coverage plan nito. Kasama rito ang pagpapalawig ng hemodialysis sessions mula 90 sa 156 sesyon at 100 percent na pag-increase sa coverage para sa mga pasyenteng may acute stroke.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo