Philippine serpent eagle, pinakawalan sa Tayabas City

0
276

Tayabas City, Quezon. Pinakawalan ng DENR-CENRO Tayabas katuwang ang lokal na pamahalaan at pamunuan ng Brgy. Alitao kamakalawa ang isang Philippine serpent eagle (spilornis holospilus) sa Alitao River, sa lungsod na ito.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR)Calabarzon, boluntaryong ibinigay ng mga kawani ng CENRO sa kanilang pangangalaga ang ibon na nasagip nila habang nanghihina noong Abril 1.

Bago pakawalan ay sumailalim muna ang agila sa wildlife sa medical evaluations ng City Veterinarian na inirekomendang ibalik na ito sa natural na tirahan upang maibsan ang stress.

Ang pagpapakawala sa ibon ay alinsunod sa RA 9147 o ang Wildlife Conservation and Protection Act of 2001, na isinasaad na protektahan at itaguyod ang ecological balance at biological diversity para sa preserbasyon at proteksyon ng wildlife species at kanilang na­tural na tirahan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.