Philvocs: 3 pagsabog ang naitala sa Taal Volcano kanina

0
279

Tatlong phreatomagmatic eruptions ang naganap sa Taal Volcano ngayon araw, Marso 31, ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum Jr.

Naganap ang mga ito sa mga oras na 10:39 a.m. sa loob ng dalawang minuto; 10:47 a.m. at 10:55 a.m., pareho sa loob ng isang minuto.

Sinabi ni Solidum na ang unang pagsabog ay lumikha ng mga plume na 900 metro ang taas, at ang dalawang iba pa ay parehong nakalikha ng mga plume na 500 metro ang taas.

Ang phreatomagmatic eruptions ay sanhi ng interaksyon ng magma at tubig.Karaniwang binubuo ito ng maraming pagputok na iba iba ang mga pagitan.

Iniulat ng Phivolcs na sa nakalipas na 24 na oras, walang na-detect na volcanic earthquake dulot ng paggalaw o pagsabog ng magma mula sa bulkan. Gayunpaman, ang mababang antas ng pagyanig sa background ay nagpatuloy mula noong Marso 29.

Nauna dito, sinabi ni Solidum na ang mababang antas ng pagyanig sa background ay maaaring magpahiwatig ng mas malakas na aktibidad ng hydrothermal o pagkulo ng tubig sa lupa, at degassing ng bulkan.

Ang pagtaas ng maiinit na likido ng bulkan sa pangunahing lawa ng bunganga ay nakabuo ng mga plum na may taas na 1,500 metro. Ang sulfur dioxide (SO2) emission ay may average na 6,405 tonelada kahapon, ayon sa Phivolcs.

Ang Alert Level 3 (magmatic unrest) ay pinananatili sa Bulkang Taal, na nagpapahiwatig na mayroong magmatic intrusion sa pangunahing crater na maaaring magdulot ng mga susunod na pagsabog.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo