Phivocs: Magnitude 5.3 na lindol tumama sa Calatagan, niyanig ang ilang bahagi ng Luzon; asahan ang mga aftershocks

0
414

Niyanig ng 5.3-magnitude na lindol ang Batangas kanina, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol na naganap sa ganap na 5:12 p.m. ay matatagpuan 24 kilometro (km) timog-kanluran ng bayan ng Calatagan.

Pinakamalakas ang pagyanig sa ilang bahagi ng Quezon City sa Intensity 3 habang ito ay nasa Intensity 2 sa San Felipe, Zambales, ayon sa Philvocs.

Naramdaman din ito sa ibang bahagi ng Quezon City, Tagaytay City, Batangas City, at Calatagan.

Naramdaman din ang Intensity 4 sa Calapan City, ayon sa intensity meter sa tanggapan ng City Disaster Risk Reduction Management Department dito.

Sinabi ng mga state seismologist na tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 99 km.

Walang naiulat na pinsala dahil sa pagyanig ngunit nagbabala ang Phivolcs sa mga posibleng aftershocks.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.