Phivolcs: Bulkang Taal malabong pumutok

0
205

Matapos magbuga ng mahigit 14,000 tonnes ng sulfur dioxide nitong Lunes, malabong pumutok ang Taal Volcano, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa public briefing nitong martes, sinabi ni PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol na sa kasalukuyan ay walang nakikitang indicators na maaaring magresulta sa pagputok ng Taal Volcano.

“Bukod sa volcanic gas emissions, may tinitignan tayong ibang mga parameters bago masasabi na ito ay sasabog ulit, katulad ng pagdami ng lindol na sa ngayon di pa natin nakikita,” wika ni Bacolcol.

Aniya pa, ang naitala lamang ng kanilang ahensya ay isang volcanic earthquake sa nakalipas na siyam na araw.

Sa kabila nito, iginiit ni Bacolco na posible ang pagkakaroon ng volcanic smog o vog habang naglalabas ng gas ang bulkan.

“Inidikasyon lamang [ang sulfur emissions] na patuloy pa rin ang degassing activity o pagre-release ng gases mula sa magma chamber ng Taal Volcano… For as long as Taal Volcano is spewing out sulfur dioxide, there is always the possibility na magkakaroon ulit ng vog,” pahayag ng opisyal.

“However, marami pong factors [to consider] bago mabuo ang vog. Isa na dito ang lakas ng hangin at temperature. Sa ngayon, malakas ang hangin sa Taal area kaya wala po tayong nabubuong vog. Ang sulfur dioxide naman ay madaling madissipate, lalo na pag maulan o malakas ang hangin,” patuloy niya.

Nananatili ang Taal Volcano sa Alert Level 1, habang pinayuhan naman ang mga residenteng naninirahan malapit dito na magsuot ng N95 face masks dahil sa presensya ng sulfur.

Samantala, nakasailalim naman ang Mayon Volcano sa Level 2 mula noong Dec. 8, 2023.

Umiiral naman ang Alert Level 1 sa Kanlaon Volcano mula March 2020, habang nakataas sa Bulusan Volcano ang Alert Level 1 mula October 2023.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo