PHIVOLCS: Pumutok ang Bulkang Taal na tumagal ng 4 na minuto

0
278

LIPA CITY, Batangas. Naganap ang isang steam-driven eruption sa Bulkang Taal nitong Miyerkules ng umaga, Mayo 8, na tumagal ng apat na minuto at nagresulta sa pagbuga ng 2,000 metrong taas ng plume sa direksyon ng timog-kanluran.

Ayon sa Phivolcs, ang pangyayaring ito ay isang “mahina” na phreatic o steam-driven eruption na naganap mula 8:27 ng umaga hanggang 8:31 ng umaga.

Ayon sa ahensya, posibleng sanhi ng phreatic activity ang patuloy na paglabas ng mainit na volcanic gases sa Taal Main Crater. Nagpahayag ang PHIVOLCS ng babala na posibleng magkaroon pa ng iba pang pagputok.

Sa kasalukuyan, nananatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, na nagpapahiwatig na patuloy ang “abnormal condition and should not be interpreted to have ceased unrest nor ceased the threat of eruptive activity,” ayon sa paliwanag ng PHIVOLCS.

“At Alert Level 1, sudden steam-driven or phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within the Taal Volcano Island,” dagdag pa ng ahensya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo