PhP 1.3M na halaga ng droga nasamsam sa Cavite; suspek na drug pusher arestado

0
364

Calamba City, Laguna. Arestado ng mga miyembro ng Regional Drug Enforcement Unit 4A, Regional Intelligence Unit 4A, Provincial Intelligence Unit Cavite Police Provincial Office, Philippine Drug Enforcement Agency 4A at Bacoor City Police Station noong Nobyembre 17, 2022, Badjao St., Brgy.Molino VII ang isang High Value Individual (HVI) na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa Bacoor City sa Cavite.

Kinilala ang suspek na si Michael Angelo Ricanor Cecilio alyas “Ducay” na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan ng iligal na droga sa Bacoor City at mga katabing lugar.

Narekober sa kanya ng mga pulis sa suspek ang dalawang piraso ng plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 200 gramo na may DDB Value na ₱1,360,000.00.

Kaugnay nito, natasan ni  PRO-CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez ang mga operatiba na imbestigahan at tuklasin ang pinagmumulan ng iligal na droga ng suspek na ipinamamahagi sa Bacoor City.

“I am very proud of your accomplishment. Your unwavering service and relentless efforts deserves recognition. Let us keep the momentum in our campaign to eradicate the illegal drug trade in our region until we attain a drug free community. To the COP of Bacoor and other operatives, let us dig deeper on this. We must find the supplier of this enormous quantity of drugs that infests the Cavite area,” ayon kay Nartatez. 

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.