Php 1.8M na halaga ng droga nasamsam ng PNP CALABARZON

0
447

Calamba City, Laguna. Nakumpiska ng Police Regional Office CALABARZON ang 1.8M na halaga ng iligal na droga sa nakalipas na 24 na oras bilang bahagi ng araw-araw na operasyon sa buong rehiyon noong Oktubre 13 at 14, 2022.

Ayon kay Regional Director, Brig. Gen Jose Melencio Nartatez, Jr., ang mga iligal na droga, sa anyo ng crystal meth o “shabu” at mga produktong Marijuana ay nasamsam ng mga police anti-drug units sa 24 na magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency 4A.

Naaresto ang 31 suspek sa ilalim ng isinagawang mga operasyon. Kabilang sa mga nadakip ang apat na High Value Individuals (HVI) at 3 Street Level Individuals (SLI) kung saan ay nakuha ng 66.79 gramo ng shabu at 11.01 kilo ng Marijuana, na nagkakahalaga ng Php 1,879,827.00.

Pinakamalaking huli si Maria Victoria Perito, isang High Value Individual (HVI) noong Oktubre 13 at 14, 2022 kung saan ay 11 kilo ng Marijuana brick na nagkakahalaga ng PhP 1.3M ang nakumpiska sa operasyon sa Brgy. San Roque, Antipolo City, Rizal.

Sa bukod na operasyon sa Brgy. Parian, Calamba City, Laguna, naaresto din ang isang HVI  na si Rodel Burgos at nakuha sa kanya ang humigit kumulang 50 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php 345,000.00.

Sa kalapit na lalawigan ng Rizal partikular sa Looc, Cardona, Rizal, naaresto ang dalawang drug peddler na kinilalang sina John Vincent Villaran at Neolan Belleza Cardona nasamsam sa kanila ang 13.99 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 95, 132.00.

“Ito ang resulta ng ating patuloy at pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga na lagi kong inuulit alinsunod sa aking 7-Point Agenda mula nang ako ay maupo sa tungkulin bilang Regional Director ng PRO CALABARZON,” ayon kay Nartatez.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.