PhP 100K na halaga ng shabu nasamsam; magkapatid arestado sa Laguna

0
349

Cabuyao City, Laguna. Arestado ang magkapatid na hinihinalang drug pusher at nakumpiska sa kanila ang PhP 100K na halaga ng pinaniniwalaang shabu kahapon sa Brgy. Baclaran, lungsod na ito.

Kinilala ni Regional Director ng Police Regional Office 4A na si Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga inaresto na sina Emma Del Mundo y Tayo, 54 anyos at Luis Del Mundo y Tayo, 60 anyos na fish vendor. Nakumpiska sa magkapatid ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng 15 gramo at may standard value na Dangerous Drug Board na Php 100,000.00.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Cabuyao City Police Station Custodial Facility at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa RA 9165.

“Isang tagumpay na naman ang ating nakamit ngayong araw. Sa mga operatiba ng Cabuyao City Police Station, ikinararangal ko ang inyong matagumpay na pag-aresto sa mga pusher na patuloy na sumisira sa komunidad ng Cabuyao. Aking hiling sa ating mga kababayan na patuloy na maging alerto at mapagmatyag sa ating kapaligiran. Dahil ang pagkamit ng tunay na kapayaapan at kaayusan sa ating komunidad at makakamit lamang kung tayo ay magtutulungan at magkakaisa. Makakaasa kayo na magpapatuloy pa ang kampanya ng pulisya ng PRO CALABARZON laban sa illegal na droga hanggang sa Malibu’s natin ang ating mga lansangan,” ayon sa mensahe ni Nartatez.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.