PhP 102K halaga ng shabu nakumpiska sa joint drug buy-bust operation ng Laguna PNP

0
239

Pagsanjan, Laguna. Nakumpiska sa joint drug buy-bust operation sa Pagsanjan, Laguna ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PhP 105, 000.00.

Kinilala ni Police Colonel (PCol) Randy Glenn Silvio ang suspek na si alyas Jayvee, walang trabaho, at residente ng Lumban, Laguna.

Sa ulat ni Police Major Edison Batoctoy Ouano, hepe ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Laguna Police Provincial Office (PPO), nagsagawa ng drug buy-bust operation ang pulisya ng PDEU at Pagsanjan Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Sabang, Pagsanjan, Laguna, at nahuli ang isang suspek matapos itong magbenta ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakumpiska sa suspek ang siyam na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 15 gramo at nagkakahalaga ng PHP 102,000.00.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Pagsanjan MPS ang suspek at nakatakdang humarap sa kasong pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.