PhP 104K na shabu naharang sa Laguna; 3 drug pusher arestado

0
237

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang tatlong street level individual at nakumpiska ang humigit kumulang na Php 104,000 na halaga ng iligal na droga sa kinasang buy-bust operation ng Biñan City Police Office (CPS) kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director, Laguna Provincial Police Office (LPPO) ang mga suspek na sina alyas Andrei, Via Mayra at Rafael.

Ayon sa report ng Biñan CPS, naaresto ang mga suspek sa CRC Homes Subd. Brgy. Platero, Biñan City, Laguna matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang labindalawang piraso ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 16 gramo at nagkakahalaga ng Php 104,000.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Biñan CPS ang naaresto at nakatakda silang humarap sa kasong R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

“Sa tulong ng mga mamamayan ng Laguna ay mas mabilis naisasagawa ang mga operasyon kontra droga. Sa pakikipagtulungan po ninyo ay magiging mas maayos, tahimik at ligtas ang lalawigan ng Laguna,” ayon kay Silvio.

Disclaimer: Ang mga pangalan ng suspek ay alyas lamang. Ang mga tunay na pangalan ng mga inarestong akusado ay hindi inilagay ng Laguna PNP sa police report upang ayon sa kanila ay maiwasan ang pagkalat ng maling balita sa social media.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.