PhP 140K na halaga ng shabu nakumpiska; suspek na tulak arestado

0
266

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang isang suspek at nasamsam sa kanya ang PhP 140,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa sa ilalim ng anti-illegal drugs buy-bust operation ng Santa Cruz Municipal Police Station kahapon. 

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-in-Charge ng Laguna Provincial Police Office ang suspek na si Leovigildo Abustan, 36 anyos na residente ng Brgy. Biñan, Pagsanjan, Laguna.

Ayon sa ulat ng Santa Cruz MPS, naaresto ng Police Regional Office 4 ang suspek na drug pusher sa pakikipagtulungan sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) matapos magbenta ng iligal na droga sa isang pulis na nagpanggap na buyer sa Sitio Maligaya. Brgy. Pagsawitan, Santa Cruz, Laguna. 

Nakumpiska sa kanya ang sampung (10) piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang may timbang na humigit kumulang na 20.58 gramo na may street value at may street value na PhP 140,000.

Nasa pangangalaga ngayon ng ng Santa Cruz MPS ang suspek at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

“Walang lugar ang mga illegal drug traders sa Laguna. Nakikiisa ang kalalakihan at kababaihan ng Laguna PNP sa ating paglaban sa iligal na droga, gagawin natin ang lahat ng ating makakaya upang makamit ang isang probinsya na walang droga,” ayon kay Silvio.

“Calabarzon PNP will continue to endure public service to stop the roots of prevalent Crimes that can damage the orderly and peaceful life of the people in Region 4A,” ayon naman kay PBGen Jose Melencio C. Nartatez Jr, Acting Regional Director, PRO CALABARZON.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.