PHP 161K na halaga ng shabu, naharang sa Laguna

0
324

Sta. Cruz, Laguna. Nasamsam ng PhP 161, 900.00 ng halaga ng hinihinalang shabu sa isang drug buy- bust operation kahapon at nadakip ang isang suspek na matagl ng nakalista sa drug wtachlist ng Laguna.

Kinilala ni Acting Provincial Director, Police Colonel Cecilio R. Ison Jr. ang suspek na si Eric Vitaliz alyas Baron, 33 anyos na residente sa Brgy. Santisima Cruz, sa nabanggit na bayan.

Sa isinagawang drug buy-bust operations ng Sta. Cruz Municipal Police Station at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nahuli sa aktong nagbebenta ng droga ang suspek at nakuha sa kanya ang pitong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 23.8 gramo.

Nakakulong ngayon sa Sta. Cruz custodial facility ang inaresto at nakatakdang samapahan ng mga kaukulang kaso.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.