Php 1B grant para sa PUV drivers, ipamamahagi ng LTFRB

0
310

Maglalabas ng Php 1B ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na cash aid sa mga kuwalipikadong public utility vehicle (PUV) driver bilang fuel subsidy assistance sa ilalim ng Pantawid Pasada Program bilang tugon sa tumataas ng presyo ng langis, ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.

Binabalak na ipamahagi ang isang bilyong pisong grant sa mga PUV driver sa pamamagitan ng Land Bank of the Philippines. Bibigyan ng cash card ang mga benepisaryo na katulad ng ginawa sa Pantawid Pasada Program, ayon sa report.

“Indeed, this underscores our commitment to cushion the impact of the oil price hikes to the transportation sector. Hindi man po natin maiwasan ang pagtaas ng presyo ng gasolina at langis ay iniibsan naman po natin ang kahirapan lalung-lalo na iyong mga naghahanap buhay sa sektor ng transportasyon,” ani Roque.

Umaasa ang LTFRB na ang pondo ay lalabas sa lalong madaling panahon. Gayon pa man, wala pang ibinibigay na tiyak na petsa sapagkat anila ay tatapusin pa ang pagpapatunay sa mga benepisyaryo at ang fund disbursement process anila ay hinihintay pang matapos.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.