PHP 1M na halaga ng droga nakumpiska ng Rizal PNP

0
476

Binangonan, Rizal. Dalawang suspek ang inaresto sa bayang ito at nakuha sa kanilang ang humigit kumulang na isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang mga diakip na sina Ronnel Membrebe y Mataksil alyas One, nakalista bilang Street Level Individual, driver ng Barangay Ambulance, tubong Binangonan, Rizal at Danilo Cado y Picones alyas Onyot, nakalista bilang Street Level Individual, mangingisda at tubong Binangonan, Rizal.

Nasakote ang dalawang suspek sa buy-bust operations na isinagawa ng Binangonan Municipal Police Station Personnel sa pangunguna ng hepe ng pulisya nito na si Police Lieutenant Colonel Rodolfo Santiago II, kamakalawa sa isang bulubunduking bahagi ng Brgy. Darangan sa sa nabanggit na bayan.

Kasalukuyang nakapiit  ang mga suspek sa Binangonan Custodial facility at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 habang ang mga nasamsam na ebidensya ay isusumite sa Rizal Provincial Forensic Unit upang sumailaim sa laboratory examinations.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.