Php 1M na halaga ng shabu nakumpiska sa Siniloan, Laguna

0
334

Siniloan, Laguna. Arestado ang isang hinihinalang tulak sa bayang ito sa ilalim ng isang buy-bust operations na ikinasa ng Siniloan Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ni PMaj Silver S. Cabanillas .

Nakumpiska ang Php 1M na halaga ng hinihinalang shabu sa suspek na kinilalang si Ronald Allan Cruz Florez alyas Ompong, 51 anyos na residente ng Brgy. Macatad, sa nabanggit na bayan.

Ang suspek at ang mga ebidensyang nakuha ay dadalhin sa PNP Laguna Provincial Forensic Unit sa Sta Cruz, Laguna upang isailalim sa laboratory examination habang inihahanda ang kasong pagbebenta ng mga iligal at mapanganib na droga na isasampa laban sa kanya, ayon sa ulat ni PCOL Cecilio R. Ison Jr kay PBGen Antonio C. Yarra.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.