PhP 2.6M na iligal na droga nasamsam sa Cavite; 2 suspek arestado

0
234

Calamba City, Laguna.  Nasamsam ng mga anti-illegal drug operatives ng Police Regional Office CALABARZON ang PhP 2,580,000.00 na halaga ng iligal na droga at naaresto ang dalawang High Value Individuals (HVI) sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa Antipolo City, Rizal at Dasmariñas City, Cavite, noong Nobyembre 16, 2022.

Kinilala ang mga naarestong suspek ng Antipolo City drug operation na si Lester Salcedo De Borja, alyas “Kuya”, 27 anyos na residente ng Lores Country Homes Subdivision, Brgy. San Roque, Antipolo City, Rizal at Yusop Pangandag Yasin, 28 anyos na residente ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite, na nadakip sa nabanggit ding operasyon sa Dasmariñas City.

Si De Borja ay inaresto sa ilalim ng pinagsanib na operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 4A, Antipolo City Police Station, PNP Drug Enforcement Group-Special Operations Unit 4A at Philippine Drug Enforcement Agency 4A sa isinagawang buy-bust operation sa kanyang tirahan matapos itong mahuli sa pagbebenta ng isang brick ng hinihinalang Marijuana sa isang pulis na nagsisilbing poseur-buyer kahapon ng gabi.

Naaresto naman si Yasin sa ilalim ng pinagsanib na elemento ng Regional Drug Unit Enforcement Unit 4A kasama ang Cavite Provincial Drug Enforcement Unit, Dasmariñas City Police Station, at PDEA 4A sa nabanggit na operasyon bandang 10:22 PM sa Via Verde Subdivision, Brgy. San Agustin 2, Dasmariñas City.

Labing tatlong piraso ng transparent plastic bundle na naglalaman ng mga tuyong dahon ng hinihinalang Marijuana brick na may tinatanyang timbang na 13 kilos at nagkakahalaga ng Php1,560,000.00, isang mobile phone, isang tunay na Php1000.00 bill at 15 piraso ng Php1,000.00 na boodle money na ginamit bilang buy-bust ang kinumpiska ang pera mula sa pag-aari ni De Borja.

Kaugnay nito, nakuha naman mula sa mga kamay ni Yasin ang dalawang piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 150 gramo na nagkakahalaga ng Php1,020,000.00 at isang itim na bag.

Sinabi ni PRO CALABARZON Regional Director, PBGen Jose Melencio C Nartatez Jr., na ang pag-aresto sa mga High Value Individual na ito ay isa pang magandang tagumpay sa kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga. 

“This is the result of our continuous and intensified operations to combat the illegal drug menace in our society. I further encourage our operatives to double their efforts. Together, let us build drug-free communities for the people of CALABARZON,” dagdag ng Regional Director.

Nakatakdang humarap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165, o mas kilala sa tawag na ‘Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.