PHp 268,500 na shabu naharang sa drug bust sa Laguna Worth of Shabu; suspek arestado

0
435

Sta. Cruz, Laguna. Nasamsam ang PhP 268,500.00 na halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Sto. Angel Sur, sa bayang ito kahapon.

Nadakip sa ilalim ng buy-bust operation ng pinagsanib na operatiba ng Santa Cruz Municipal Police Station at Laguna Provincial Drug Enforcement Unit sina Rainier Alfonso Alvarez, alyas Butot, na isang suspect na drug pusher sa nabanggit na bayan.

Narekober mula sa mga suspek ang limang piraso ng plastic sachet at isang plastic bag na naglalaman ng shabu na tinatayang tumitimbang ng humigit-kumulang 39.5 gramo at maystreet value na PhP 268, 500.00.

Kaugnay nito, pinuri ni Police Regional Office CALABARZON Regional Director Brig Gen Jose Melencio Nartatez Jr. ang  nagsanib na pwersa ng Laguna sa matagumpay na pagkakadakip sa nasabing suspek gayon din sa kanilang patuloy na pagsisikap upang isulong ang kampanya laban sa ilegal na droga na isa sa 7 Priority Thrust Program ng PRO4A na nakahanay sa Chief PNP Rodolfo S Azurin Jr.

“Magtulong-tulong tayo sa ating kampanya laban sa droga! Huwag natin hayaan na mawalan ng kabuluhan ang ating mga nasimulan lalo na ngayon na ang ating Kapulisan, Simbahan at Pamayanan ay magkatuwang para sa isang layunin na maging maayos, mapayapa at maunlad ang ating bansa. Asahan na ang PRO4A ay kasama ninyo sa adhikain na ito dahil kami ay kakampi ninyo,” ayon kay Nartatez.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.