Php 272K na halaga ng iligal na droga, naharang ng Rizal PNP

0
285

Taytay, Rizal. Nasakote ang tatlong suspek na pusher sa bayang ito sa isang drug buy-bust operations sa ilalim ng programang ‘Pabili Nga Po.’

Ang mga suspek na kinilalang sina Asgar Bongcarawan, 27 anyos na vendor; Ryan Acralea, 41 anyos na taga Olongapo at Noel Casiber alyas Bonbon, 47 anyos na taga Leyte ay nadakip sa isinagawang operasyon ng Rizal Police Investigations Unit sa pamumuno ni PLT Daniel M. Solano at sa pangangasiwa ni PMAJ Joel J. Custodio.

Nakumpiska sa kanila ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Ph 272,000 sa harap ng barangay chairman ng lugar.

Ayon sa mga pulis, isang sumbong ang kanilang natanggap hinggil sa isang alyas Asgar na diumano ay aktibong sangkot sa talamak na bentahan ng droga sa kahabaan ng Glenwood Subdivision, Brgy. Muzon, Taytay, Rizal kung saan ay isinagawa ang matagumpay na operasyon.

Ang mga suspek at mga ebidensya laban sa kanila ay dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit, Hilltop, Taytay, Rizal upang sumailalim sa eksaminasyon, ayon sa report ni Rizal Police Provincial Director, Police Colonel Dominic L. Baccay reported kay Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Antonio C Yarra.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.