Php 27M na halaga ng shabu, nakumpiska ng Rizal PNP

0
468

Angono, Rizal. Timbog ang tatlong suspek na drug pusher sa bayang ito at nakumpiska sa kanila ang humigit kumulang na Php 27M na pinaghihinalaang shabu.

Kinilala ang mga suspek na sina Aries Apeleña alyas Axel; Dennis Delo Santos alyas Dennis, pawang residente ng nabanggit na lugar at Mariz Sedaya alyas Zyra, residente ng Brgy. Macamot, Binangonan, Rizal. 

Ikinasa ang buy-bust operations matapos makatanggap ng inpormasyon ang mga awtoridad hinggil sa talamak na bentahah ng iligal na droga sa nasabing address at isang alyas ‘Axel’ ang itinuturong nasa likod nito.

Nakuha sa mga suspek walong plastic sachet at apat na vacuum sealed plastic na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang ng humigit kumulang na  4 na kilo at 5 gramo, na may tinatantiyang nagkakahalaga ng PHP 27,234,000.00.

Ang imbentaryo ng mga sinamsam na droga at pera ay isinagawa sa harap ng nakasasakop na barangay at media, ayon sa report ni PBGEN Antonio C. Yarra kay Vhief PNP PGen Dionardo B. Carlos.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.