Php 331K na halaga ng iligal na paputok, tinubigan sa Laguna

0
178

Sta. Cruz, Laguna. Binasa ng tubig ang humigit kumulang na Php 331,000 na mga nakumpiskang iligal na paputok sa isang ceremonial disposal ng pyrotechnic materials kanina sa Kampo Heneral Paciano Rizal, Brgy. Bagumbayan, sa bayang ito.

Pinangunahan ni Police Col. Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director ang seremonyas kasama ang mga tauhan ng PNP Explosive Ordnance Disposal (EOD), at Bureau of Fire Protection (BFP). 

Nakumpiska sa Laguna PPO ang 1,583 piraso ng kwitis, 75 sparkles, 289 Six Rocket, 175 Boga, 158 Judas Belt, 411 Fountain, 541 Big Lusis, 281 Roman Candle, 5 Spirit Whip, 14 Happy Ball, 6 Spring Butterfly, 1 Golden Spinner, 7 Mabuhay, 18 Poppop, 5 Sputnik Silver, 1 Battery, 238 Five Star, 3 Jumbo Silver, 34 Giant Bawang, 367 Giant Whistle Bomb, 10 Mother Rockets at 277 na iba pang klase ng paputok.

Nauna dito, ayon sa ulat ay pinaigting ng Laguna PNP ang mga operasyon laban sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnic device sang ayon sa Rule II ng revised IRR ng R.A 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices).

Sa isinagawang simultaneous operations sa Laguna, kinumpiska ang mga paputok na walang permiso at ginagamit sa labas ng community fireworks display area. Inaresto din at kinasuhan ang mga indibidwal na lumabag sa direktiba sa pakikipag-ugnayan sa mga LGU at iba pang kinauukulan mga ahensya.

“Pinupuri ko ang pagsisikap ng Laguna PNP sa operasyon na ito laban sa pagbebenta ng mga iligal na paputok sa buong lalawigan ng Laguna upangmatiyak ang pagdiriwang ng mapayapang Bagong Tao. Ang mga nahuling nagbenta ng mga iligal na paputok ay haharap sa mga kaukulang charges,” ayon kay Silvio.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.