Php 350K na halaga ng shabu nakumpiska: 2 suspek arestado

0
629

San Pedro City, Laguna. Nahuli ang dalawang suspek sa anti-illegal drugs at nakumpiska ng mga pulis ang dala nilang Php 350.00 na halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operations na isinagawa sa lungsod na ito.

Ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo DC Cruz, dinakip kahapon ng mga elemento ng San Pedro City Police Station sa pamumuno ni officer-in-charge PLTCOL Socrates S. Jaca ang dalawang anti-illegal drug suspek na kinilalang sina Gilbert Gabatin alyas Bert, delivery rider at residente ng Brgy. Maharlika, San Pedro City Laguna kasama si Mary Grace Lorona na residente ng Brgy Poblacion Muntinlupa City. 

Nakuha sa mga suspek ang 10 sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 50 gramo at nagkakahalaga ng Php 350,000 bukod sa Php 1,500 na buy-bust money.

Ang mga nadakip ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng San Pedro Police Station at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Ipapadala naman sa Crime Lab ang ebidensya na nakuha sa kanila upang isailalim sa forensic examinations.

Kaugnay nito, pinuri ni PCOL Campo ang mga tauhan ng San Pedro CPS sa kanilang matagumpay na operasyon sa pakikipaglaban ng pamahalaan sa illegal drugs at kriminalidad. 

“The intensified Anti-Illegal Drugs Operation of Laguna PNP produced extra triumph with the support of the community. We will endure to stretch our effort to win our war against Illegal drugs,” ayon sa mensahe ni PCOL Campo.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.