PhP 380K na shabu nasabat sa Calapan City

0
358

Calapan City, Oriental Mindoro. Nasamsam ng mga anti-illegal drug unit ng Police Regional Office MIMAROPA, sa pamumuno ni PBGEN Sidney Sultan Hernia ang mahigit P380,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Kinilala ng bagong talagang Officer-in-Charge ng Oriental Mindoro Police Provincial Office na si Police Colonel Samuel S. Delorino ang suspek na si Adonis Sta. Ana Banaay, 34 anyos na tubong Naujan, Oriental Mindoro.

Ang pag aresto ay naisagawa sa Sitio Aguila, Brgy. Biga, Calapan City, sa ilalim ng pinagsamang PNP-PDEA drug buy bust operation sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Anthony J. Ramos, kasama ang PDEA ORMIN PO; Provincial Drug Enforcement Unit at 1st Provincial Mobile Force Company ng Oriental Mindoro PPO; at Tactical Motorcycle Riding Unit 4B.

Nakuha kay Banaay ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng 56.39 gramo na may karaniwang presyo ng iligal na droga na Php383,452.00.

Nasa kustodiya na ngayon ng Calapan City Police Station ang naarestong drug suspect at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kaugnay nito, Pinuri ni Hernia ay aniya ay “pagsisikap ng mga operatiba sa matagumpay na anti-drug operation. “Ang mahusay na network ng mga mapagkukunan at mabisang koordinasyon sa ating katapat sa PDEA ay naging napakahalaga sa tagumpay ng gawaing ito. Hindi kami titigil sa kampanya sa pagpuksa sa lahat ng uri ng aktibidad ng ilegal na droga sa rehiyon,” ayon sa kanya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.