PhP 4.6M na droga nasamsam ng PRO Calabarzon; 3 suspek arestado

0
210

Calamba City, Laguna. Nasamsam ng mga operatiba ng Police Regional Office CALABARZON ang PhP 4,616,860.00 halaga ng iligal na droga at naaresto ang 3 drug suspect kabilang ang isang high value individual (HVI) sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya na isinagawa noong Enero 8, 2023.

Kinilala ng mga pulis ang high value drug suspect na si Lemuel Vega Mellomida, alyas “Dos,” 39 anyos na residente ng Purok Agawin Brgy. Ibabang Dupay Lucena City at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. 171 Bagumbong, Caloocan City.

Arestado si Mellomida ng pinagsanib na puwersa ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit, Philippine Drug Enforcement Agency 4A at Lucena City Police Station sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Dalahican, Lucena City.

Narekober sa kanya ang 3 pirasong plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P1,938,000.00, 1 Yamaha motorcycle, 1 STI Tactical caliber .45 pistol, 1 cal .45 magazine na may apat na live ammunition at drug bust money.

Sa bukod na operasyon, tinugis ng mga pulis ng Kawit Municipal Police Station sa pakikipag-ugnayan sa Gen Trias City Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang drug suspect na kinilalang sina Lovely Nmn Luayon, 22 anyos at Aljon Canlas Tongol, 31 anyos, pawang mga residente ng Lancaster City, Brgy Navarro, Gen Trias City, Cavite.

Narekober sa sa kanila ang 44 na piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 393.95 gramo at nagkakahalaga ng PhP 2,678,860.00.

“Itong klaseng accomplishment na ito ay ipinagmamalaki ko, nais kong batiin ang ating mga police operatives mula sa iba’t ibang yunit at istasyon para sa matagumpay na paghuli sa mga kilalang tulak ng droga at pagsamsam ng malaking bulto ng iligal na droga. Tulad ng makikita mo ang mga suspek na ito ay armado at marahil ang ilan sa kanila ay sangkot sa iba pang mga gawaing kriminal. Kaya pinaaalalahanan ko ang ating mga kababayan na maging alerto at maging maingat. Ipagbigay alam niyo agad sa mga police stations o tumawag o magtext sa mga hotline ng pulisya kung may mga illegal na gawain lalo na ang bentahan ng illegal na droga sa inyong lugar,” ayon kay PRO CALABARZON Regional Director, PBGen Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165, o mas kilala bilang ‘Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition (RA 10591).(RPIO4A)

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.