Php 408K na halaga ng shabu nakumpiska sa Quezon; dalawang mag iisda, timbog

0
197

Infanta, Quezon. Arestado ang dalawang supek na drug trader sa bayang ito at nakumpiska sa kanila ang Php 408,000.00 na halaga ng hinihinalang shabu sa isang drug buy-bust operations na isinagawa ng mga operatiba ng Infanta Municipal Police Station (MPS).

Kinilala ni  Police Regional Office 4A, Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang mga suspek na sina Michelle Tañola y Aborque, 47 anyos na fish vendor at Edgardo Salvadora y Cariño alyas Gardo, 50 anyos na fish vendor, pawang residente ng Purok Langka, Brgy. Binulasan, Infanta, Quezon.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug buy-bust operation ang Drug Enforcement Team ng Infanta Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Master Sergeant Benjamin A. Liwag Jr, Intel PNCO matapos maisagawa ang serye ng surveillance at pangangalap ng impormasyon.

Narekober at nakumpiska sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may street value na Php 408,000.00.

Nauna dito, maraming ulat na ang dalawang nadakip na suspek ay aktibo sa pagbebenta ng iligal na droga sa kanilang barangay at mga karatig na lugar.

Kakasuhan sila ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

“The cooperation of the community in order for the PNP to perform its mandate is indispensable.  This is a good sign that the community and the police are working together and have a good relationship so it will be easier to suppress such activities of criminals. We promise that we will not let you down and we will do our duties and responsibilities relentlessly,” ayon kay Yarra.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.