PhP 40K halaga ng shabu, nasabat sa Laguna

0
367

Calamba City, Laguna. Naharang sa Laguna ang halagang PhP 40K na shabu sa isang drug buy bust operations noong Lunes ng gabi sa lungsod na ito.

Kinilala ni Police Colonel Cecilio R. Ison Jr ang mga suspek na si Menard San Juan Latigay alias Cyruz, 18 anyosna residente ng Purok 7, Brgy. Parian Calamba City, Laguna.

Sa isinagawang buy bust operation ng mga operatiba ng Calamba City Police Station sa pakikipagtulungan ng PHilippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Laguna, nadakip ang akusado kamakalawa matapos magbenta ng iligal na droga sa pulis na na nagpanggap na buyer. 

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Calamba City Police Station ang inarestong suspek at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Samantala sinabi ni Ison na “layunin ng Laguna PNP na pinaigting ang operasyon ng Iligal na droga at maalis ang iba pang krimen na may kinalaman sa droga sa walang humapy na pag aresto sa mga tulak ng droga pigilin ang paglaganap ng iligal na droga sa lalawigan.”

Kaugnay nito, pinuri naman ni PBGen Jose Melencio C Nartatez Jr, Regional Director, PRO CALABARZON ang matagumpay na operasyon ng pulisya laban sa iligal na droga. “Ito ay laban ng PNP at sa buong komunidad. Itutuloy ng CALABARZON PNP ang pagpapakulong sa mga druggies na ito,” ayon sa kanya.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.