Php 42K na shabu kumpiskado sa Laguna; tulak arestado

0
221

Sta Cruz, Laguna. Arestado ang isang suspek na drug pusher at nakuha sa kanya ang Php 42,000 na halaga ng shabu sa isang buy-bust operations na ikinasa ng Sta. Cruz Municipal Police Station (MPS) kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna Provincial Police Office ang suspek na si alyas Toper na residente ng nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat ni Police Major GAbriel Aniag Unay,  Sta. Cruz Municipal MPS, naaresto ang suspek matapos magbenta ng iligal na droga sa mga pulis na nagpanggap bilang mga buyer.

Nakumpiska sa suspek ang apat na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 6.20 gramo. Kinuha din sa kanya ang isang motorsiklong Yamaha Aerox.

Nasa kustodiya ngayon ng Sta. Cruz MPS ang naarestong suspek a nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

“Makakaasa po kayo na palalakasin pa ng Laguna PNP mga operasyon kontra iligal na droga para mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa lalawigan ng Laguna,” ayon kay Silvio.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.