Php 441K na shabu naharang ng Quezon PNP, 2 suspek arestado

0
227

Candelaria, Quezon. Arestado ang dalawang suspek na drug trader at nakuha sa kanila ang Php442K na halaga ng hinihinalang shabu sa ilalim ng isang drug buy-bust operations na ikinasa ng CAndelaria Municipal Police Station (MPS) sa pangunguna ng chief od police nito na si PVOL Joel A. Villanueva sa bayang ito kanina.

Kasama ang Police Drug Enforcement Group Special Operations Unit- NCR, nadakip sa  Candelaria By-pass Road sa Brgy. Bukal Sur, Candelaria, Quezon sina Trisha Daang Gentiles alyas Trisha, 38 anyos na residente ng Ruhat Tres, Brgy. Mambugan, Antipolo City at Jaime Ciga Escuadra, 60 anyos na residente ng Unit 5, Pagrai Hills, Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Nakuha sa kanila ang humigit-kumulang na 21.66 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na Php 441,864.00.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Candelaria MPS custodial facility ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso.

Kaugnay nito ay nananawagan si Villanueva sa mga may magandang loob na  “Bukas po ang aming tanggapan upang tumanggap ng anumang impormasyon na makakatulong sa higit na pagpapalakas ang kampanya laban sa lahat ng uri ng masamang gawain na nagsisilbing banta sa pag unlad ng ating lalawigan,” ayon sa panawagan ni Villanueva.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.