Php 482K na Marijuana bricks naharang ng San Pablo City PNP

0
372

San Pablo City, Laguna. Nasakote ang isang call agent sa aktong nagbebenta ng iligal na droga at nakumpiska sa kanya ang 482k halaga ng tuyong dahon at buo ng Marijuana sa isang anti-illegal drugs buy-bust operation sa lungsod na ito kamakailan.

Si Donn Anthony Amane Delgado, 26 anyos na call center agent at residente ng Brgy. Sa Lucas ay nadakip sa Brgy. San Rafael sa nabanggit na lungsod ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng San Pablo City Police Station (CPS) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Garry C. Alegre, Chief of Police, kasama ang 3rd MP 1st Laguna Police Mobile Force Company.

Sa ilalim ng isang preventive search, nakumpiska sa suspek ang ang limang (5) piraso ng hinihinalang Marijuana bricks na nakabalot sa transparent plastic na tinatayang may Dangerous Drug Board Value na Php 482,000 pesos.

Dinala sa San Pablo CPS ang naarestong suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.