PhP 50K na Marijuana nasamsam; 2 suspek timbog

0
465

Biñan City, Laguna. Nasamsam ng mga tauhan ng Biñan City Police Station ang Marijuana na nagkakahalaga ng PhP 50,000 at arestado ang dalawang drug suspect sa ilalim ng pinagsanib na pwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDET) ng Biñan City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency ng Laguna Provincial Office noong Setyembre 15, 2022 sa Brgy. Mamplasan sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Myco Austria Garcia, alyas “Mike”, 36 anyos at Ronald Reonal Anonuevo, 39 anyos, kapwa residente ng Calauan, Laguna, matapos magbenta ng isang plastic sachet hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa pulis na nagpanggap na buyer.

Narekober ng mga operatiba ng pulisya mula sa mga suspek ang dalawang brick ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nakakulong ngayon sa Biñan custodial facility ang mga suspek at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Section 5, 11 at 26 ng Article II ng RA 9165.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.