PhP 6.8M shabu, nasamsam sa Cavite; suspek arestado

0
197

Gen. Trias, Cavite. Nasabat ang Php 6.8 M ng hinihinalang shabu sa ilalim ng isang drug buy bust operations sa bayang ito kamakalawa.

Camp BGen Vicente P Lim- Anim na Milyon Walong Daang Libo (PHP 6,800,000.00) halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa isinagawang joint buy-bust operation noong Setyembre 6, 2022 sa General Trias, Cavite. 

Kinilala ang suspek na si Alvin Guiamal Makalay, tubong Maguindanao.

Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng Special Operation Unit 4B-Philippine National Police Drug Enforcement Group (SOU 4B-PNP DEG) kasama ang mga operatiba ng General Trias City Police Station at Cavite Police Provincial Office-Provincial Drug Enforcement Unit.

Kaugnay nito, pinuri ni PRO CALABARZON Acting Regional Director, Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez, Jr ang pinagsanib na operatiba partikular na ang lead unit sa kanilang kahanga hangang pagsisikap at malaking tagumpay laban sa iligal na droga.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.