Php 61k halaga ng Marijuana kumpiskado; dalawang suspek arestado sa Laguna

0
212

Calamba City, Laguna. Arestado ang ang dalawang drug suspects kabilang ang isang menor de edas sa ikinasang buy bust operation ng Calamba City Police Station (CPS).

Kinilala ni Acting Laguna Police Provincial Director, Laguna, Police Colonel Cecilio R. Ison Jr., ang mga suspek na sina Joemari Casaje Atienza alias Jomar, 26 anyos na residente ng Brgy. Paciano, Calamba City, Laguna at isa pang suspek menor de edad.

Ikinasa ang buy-bust operations operasyon kahapon sa Brgy. Paciano, Calamba City, Laguna at nakumpiska sa kanila ang  Anim (6) na pakete ng  transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang Marijuana na may timbang na humigit kumulang na 510 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php 61,200.00.

Kaugnay nito, nagkasa ang Laguna PNP ng buy-bust operations sa iba’t ibang lugar sa Laguna na nagresulta sa pagkakadakip sa bukod pang pitong suspek, ayon sa ulat ni Ison kay PBGen Antonio C. Yarra, Regional Director ng PRO CALABARZON.

Ang mga naaresto ay pansamantalang nasa kustodiya ng mga kanya kayang arresting unit at nakatakdang sampahan ng kasong violation of R.A 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang ang mga  nakumpiskang ebidensya ay ipapadala sa Crime Laboratory Office upang isailalim sa forensic examination.

“Ang sipag at tiyaga ng kapulisan ng Laguna ay nagreresulta ng maganda. Sa pagka aresto ng mga suspek na ito ay pinapatutunayan lamang ng ating kapulisan na ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at higit sa lahat maraming kabataan ang maililigtas nila sa kapahamakan sa pagkaka kumpiska ng mga iligal na droga na katulad nito, ayon sa pahayag ni Ison. 

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.