MAYNILA. Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na ipamamahagi na nila ang PHP 7,000 medical allowance para sa mga kwalipikadong guro at non-teaching staff, alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos Jr. para sa mas pinalawak na suporta sa kalusugan.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, “As emphasized by President Marcos, we want our teachers and staff to stay healthy without having to worry about medical bills.” Dagdag pa niya, “This is our way of recognizing the commitment of our teachers and staff. This allowance is a way to give back and ensure they never have to choose between their health and the stress of medical bills.”
Ang allowance ay maaaring makuha sa pamamagitan ng group o individual HMO packages, o direct cash para sa mga lugar na walang HMO access. Kwalipikado ang mga empleyadong nakapaglingkod ng hindi bababa sa anim na buwan ngayong 2025, ngunit hindi saklaw ang mga consultants at job order workers.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.