Php 750K na halaga ng Kush Marijuana, nakumpiska ng Rizal PPO

0
521

Antipolo City, Rizal. Nakumpiska sa lungsod na ito ang halahang Php 750,000 na high grade Marijuana matapos dakipin ang isang hinihinalang pusher sa ilalim ng ‘Pabili Nga Po’ drug buy-bust operations.

Kinilala ni Rizal Police Provincial Director PCOL Dominic L. Baccay ang suspek na isang nagngangalang Jotello Robleza alyas Bojo, 24 anyos, isang college graduate na nakatira sa 20 Yen St. Lores Country Homes, Brgy. San Roque, Antipolo City.

Batay sa paunang report nagsagawa ng drug buy-bust operations ang mga elemento ng  Rizal sa pangunguna ni PLT Daniel M. Solano sa pangangasiwa ni PMAJ Joel J. Custodio nag nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at pagkakakumpiska ng kalahating kilo ng high grade na Marijuana o ‘Kush.’

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng inpormasyon na talamak ang bentahan ng Marijuana’ sa nabanggit na lugar at tinuran si alyas Bojo na nasa likod ng bilihan.

Ang inarestong suspek ay binigyan ng mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine gayundin sa Anti-Torture Law. Ang physical inventory ng mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa sa harap ng suspek saksi ang barangay chairman ng Brgy. San Roque.

Si alyas Bojo at ang mga ebidensyang nakuha sa kanya ay dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit, Hilltop, Taytay, Rizal para sa kaukulang laboratoryo at pagsusuri sa droga, ayon sa report ni Baccay kay Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Antonio C Yarra.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.