Php 784K na halaga ng shabu nakumpiska ng PRO Calabarzon

0
359

Antipolo, Rizal. Arestado ang tatlong drug suspect bandang ala unina sa Sitio Gumamela 1, Brgy. Ang Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal.

Kinilala ang tatlong naarestong suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Provincial Intelligence Unit at PNP Drug Enforcement Group na sina Jeffrey Esguerra y Verin alyas ‘Jeff”, 47 anyos na residente ng Sitiio Maligaya, Brgy. San Isidro, Antipolo City; Anastacio Hementiza y Dela Cruz alyas ‘Jun’, 62 anyos na binata; at Rodel Dizon y Mendoza alyas ‘Del”, 41 anyos na tricycle driver, pawang mga  residente ng Upper Sto Niño, Sta Cruz, Antipolo City.

Si Hementiza ay nakalista sa watchlist ng mga pusher habang si Dizon ay nakalista bilang user sa City Drug Watch List. Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon na sangkot ang isang alyas ‘Jeff’ sa pagde-deliver at pagbebenta ng iligal na droga sa lugar.

Nakumpiska sa kanila ang tatlumpu’t dalawang piraso ng sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit o kulang 110 gramo at may standard value na Dangerous Drug Board na Php 784,000.

Dinala ang suspek sa Rizal Provincial Hospital System- Antipolo Annex para sa physical examination saka ikinulong sa Rizal Police Provincial Office custodial facility.

“Let us continue to intensify our anti- Illegal drug operation in the entire region. We will not stop suppressing and arresting people who destroy our country and the future of our children. We will clean up every road in the region until the illegal drugs will no longer exist in our country, ” ayon sa tugon ni Regional Director ng Police Regional Office 4A, Police Brigadier General Antonio C. Yarra sa nabanggit na report ng Rizal PP).

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.