Php 850K na droga nasamsam ng PRO Calabarzon; 4 na suspek arestado

0
439

Calamba City, Laguna. Nasamsam ng mga operatiba ng Police Regional Office CALABARZON ang PhP 850,000.00 halaga ng iligal na droga at naaresto ang 4 na high value drug suspect sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya na isinagawa noong Disyembre 7, 2022.

Kinilala ng mga awtoridad ang 4 na high value drug suspect na sina Raidah Ontawar Pimping, alyas “Raida,” 31 anyos; Pagi Alambat Ontawar, alyas “Pagi,” 35 anyos; Faisal Barani Nasroding, alyas “Faisal” 27 taong gulang, pawang mga residente ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City Cavite at Cecilia MNU Masik, alyas “Cecile” 20 anyos na residente ng Burol 2 Dasmariñas City, Cavite.

Arestado sina Pimping at Ontawar ng pinagsanib na puwersa ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit, at Regional Drug Enforcement Unit 4A sa isinagawang buy-bust operation noong umaga ng Disyembre 7, 2022, sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite matapos magbenta ng isang pirasong plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P65,500.00 sa isang pulis na nagsilbing poseur buyer.

Narekober sa kanilang hawak ang isang pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na humigit-kumulang 25 gramo at nagkakahalaga ng P170,000.00

Samantala, naaresto sina Nasroding at Masik sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 4A, Provincial Drug Enforcement Unit – Cavite Police Provincial Office, Philippine Drug Enforcement Agency 4A at Dasmariñas City Police Station, noong hapon ng Disyembre 7, 2022, sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite, matapos magbenta ng transparent plastic bag na naglalaman ng shabu sa isang pulis na umaktong poseur buyer kapalit ng isang pirasong genuine na P1,000.00 bill.

Ang mga sumusunod na piraso ng ebidensya ay nakuha mula sa pag-aari ng suspek: dalawang piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na yumitimbang ng humigit kumulang 100 gramo at nagkakahalaga ng P680,000.00.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165, o mas kilala bilang ‘Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RPIO4A)

“I want to congratulate our operatives on a job well done. The workmanship they displayed was truly impressive. With the arrest and confiscation of such a large number of drugs, we have saved many innocent citizens and young people. Expect us to continue our campaign against illegal drugs and criminality; we will never get tired of running after these criminals. I encourage everyone to cooperate with our police to control and suppress the use and sale of illegal drugs. Let us make this region a safer place to live, work, and do business,” ayon sa mensahe ni PRO CALABARZON Regional Director, PBGen Jose Melencio C Nartatez Jr.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.