PHP1.1M shabu naharang sa buy-bust operations sa Calamba City

0
435

Calamba City, Laguna. Kumpiskado sa mga arestadong drug dealers ang 165 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng isang milyon at isang daan at dalawampung libong piso (PHP 1,122,000.00) sa ilalim ng drug buy-bust operation na ikinasa sa Calamba City kaninang madaling araw.

Kinilala ni Police Colonel Cecilio R Ison Jr ang mga suspek na sina Mirsuari Diveda Darang Jr. alyas Carding, 24 anyis, at Makikarim R. Sabuyogan alyas Maku, 18 anyis, pawang mga residente ng Brgy. Looc, Calamba City sa Laguna.

Nahuli ang mga suspek matapos ilatag ng Calamba City Police Station (CPS) ang buy-bust operation bandang  2:03 ng madaling araw kanina, August 9, 2022, sa Kalantas St. Brgy. Looc, sa nabanggit na lungsod.

Sa isinagawang operasyon, nahuli sa akto ang pagsasabwatan ng dalawang suspek sa pag-abot ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa pulis na umaktong drug buyer.

Si Darang Jr. ay nakalista sa drugs watchlist bilang isang high value individual habang si Sabuyogan ay itinuturing na isang street level individual.

Nasa pangangalaga na ng Calamba CPS ang mga suspek. Nakatakdang humarap sa  sa pagbebenta, pag-iingat, at pakikipagsabwatan sa illegal drug trade si Darang Jr. habang si Sabuyogan ay sasampahan sa pakikipagsabwatan kay Darang Jr. sa illegal drug trade.

“Despite our intensified campaign against illegal drugs ay may mga nahuhuli pa rin tayo na mga drug dealers. This means they are real entrepreneurs who know the business, customers, competition, money, and survival; nevertheless, we assure that their arrest will be irresistible dahil ang kampanya kontra droga ay hindi lang sa kapulisan nakasalalay kundi katuwang ng kapulisan ang komunidad na kanilang ginagalawan,” ayon kay PCol ISon Jr,

Sa kanyang pahayag, tiniyak naman ni PBGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., direktor ng Police Regional Office CALABARZON na mas paiigtingin pa ng PNO ng Calabarzon ang mga operasyon at kampanya nito laban sa iligal na droga.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.