Php1.5M na shabu nakumpiska sa apat na suspek sa Cavite

0
376

Dasmariñas City, Cavite. Nakatakdang humarap sa mabigat na kasong kriminal ang apat na suspected drug personalities sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos silang mahulihan ng Php1,156,000.00 halaga ng shabu sa Southern Luzon drug sting operations noong Huwebes, ayon sa kumpirmasyon ni PNP Officer-In-Charge PLTGEN Vicente D. Danao Jr.

Sa isang pahayag, sinabi ni PLTGen Danao na nagsagawa ng drug buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEU, Cavite Provincial Police Office noong Hunyo 9, 2022, 2:25 PM, sa B-50 Excess Lot, Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite kung saan ay matagumpay na naaresto ang mga high-value targets na kinilalang sina Samsia Dicampong,Sarabanon Untong, Asimah Untong at Suwaib Mohammad.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang walong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang na humigit-kumulang 170 gramo na may tinatayang nagkakahalaga ng Php1,156,000.00.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.