PHP1.6-M na halaga ng Marijuana nakumpiska sa Rizal; mode of payment ng drug trading online na

0
311

Taytay, Rizal. Nakumpiska ang labing anim na kilo ng hinihinalang Marijuana na nagkakahalaga ng PHP1.6-M sa ikinasang drug buy-bust operations kanina ng Rizal Provincial Intelligence Unit sa pangangasiwa ni PMAJ Joel Custodio at sa pangunguna ng DEU Team Leader PLT Daniel Solano sa Melendrez Subdivision, Brgy. Dolores sa bayang ito.

Kinilalang ang mga suspek na sina  Jomar Vergara alyas Jomar  na isang high value individual (HVI) na drug pusher na tubong Rizal  at Edgardo Claudio alyas Barry na isa ring HVI at tubong Rizal at kapwa naninirahan sa Antipolo City, ayon sa ulat ni Laguna PNP Director PCOL Dominic L. Baccay kay Regional Director PRO CALABARZON PBGEN Antonio Yarra.

Ayon sa impormante ng mga pulis, talamak ang bentahan ng iligal na  droga sa nasabing lugar at inireport na sangkot ang dalawang suspek sa malawakang bentahan. Kaugnay nito ay tatlong linggong nagsagawa ng surveillance ang mga nabanggit na ahensya ng PNP na resulta sa matagumpay na operasyon.

Napag alaman din ng Laguna PNO na ang mga transaction sa bilihan ng iligal na doroga ay via online using online payment na at naka-channel sa gcash, smart padala at iba pang online payment service.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Taytay Custodial facility a nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Anti Dangerous Drugs Act of 2022 (RA 9165).

Pinuri naman ni Baccay ang naging matagumpay na operasyon at nanindigan na ang mga kapulisan ng Rizal ay lalong magiging masigasig upang mahuli ang mga taong patuloy na tumatangkilik at nagbebenta ng iligal na droga sa probinsya ng Rizal.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.