Calamba City, Laguna. Arestado ang isang High-Value-Individual na si Marlon Timog, 49 anyos, sa isang buy-bust operation na ikinasa ng Calamba City Police Station kahapon sa Sitio Lote, Brgy. Lecheria, Calamba City, Laguna.
Nakumpiska kay De Guzman ang anim pirasong heat sealed transparent sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng PHP135, 151.00. Nakuha din sa kanya ang isang kalibre.38 na baril na walang serial number.
Ang nabanggit na matagumpay na operations ay bahagi ng maigting na kampanya ni Acting Provincial Director Police Colonel Cecilio R Ison Jr, sa sabay-sabay na Anti-Illegal Drugs Operations sa buong lalawigan ng Laguna kung saan ay 36 na iba pang suspek na drug pushers ang dinakip ng Binan City Police tation (CPS)S, Pila Municipal Police Station (MPS), Los Banos MPS, Santa Rosa CPS, Cabuyao CPS, Pangil MPS, Paete MPS, San Pedro CPS, Cavinti MPS, San Pablo CPS, Calamba CPS, Calauan MPS, Alaminos MPS, Bay MPS at Nagcarlan MPS noong Mayo 19, 2022.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.