PHP170,000 na halaga ng shabu nakumpiska sa joint buy-bust ops ng Taytay MPS at PDEA 4A

0
201

Taytay, Rizal. Arestado sa bayang ito ang isang hinihinalang drug trader at nakumpiska sa kanya ang PHP170,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu.

Kinilala ni Regional Director ng Police Regional Office 4A, Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang suspek na si Arnel Dela Ramana nadakip kamakalawa sa kahabaan ng C6 Road, Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana, sa nabanggit na bayan sa ilalim ng joint buy-bust operations na ikinasa ng Taytay Municipal Police Station at ng PDEA 4A.

Nakuha ng mga pulis sa kanya ang humigit kulang na 25 gramo na may Dangerous Drugs Board standard value na PHP170,000.00;

Nakatakdang kasuhan ang suspek ng paglabag sa Sec 5 at 11 ng Republic Act 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Samantala, dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit ang mga nasabat na droga upang isailalim sa mga kaukulang laboratory examinations.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Sec 5 at 11 ng Republic Act 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit ang mga nasabat na droga para sa kaukulang laboratory examinations.

“I want you to know that our police here in CALABARZON are relentless in performing their jobs 24/7 just to suppress and end this menace drug problem,” ayon kay Director PBGen. Yarra.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.