Puerto Princesa City, Palawan. Nag aalok ng Php 200,000 na pabuya si Palawan 3rd District Congressman Edward Hagedorn sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ni Jovelyn Gallano, ang dalaga mula sa lungsod na ito na anim na araw ng nawawala.
Nauna dito, nagulat ang Palawan City Police Station hinggil sa pagkawala ni Jovelyn Gallano, 22 anyos na dalaga at empleyado ng Robinsons Place sa Puerto Princesa.
Ayon sa pahayag ni PLt.Col. Adoni Guzman, director ng Palawan Police Provincial Office, humingi ng tulong sa kanilang tanggapan ang pamilya ni Gallano hinggil sa hindi nito pag uwi mula pa noong Agosto 5.
Ayon sa salaysay ng kapatid ng nawawalang dalaga, 6.30 ng gabi lumalabas ng Robinsons Place ang kanyang kapatid at dumadating sa kanilang bahay sa Sta. Lourdes ng alas 7.30.
Sa ginawang pagsisiyasat ng Puerto Princesa police station, hindi pa maliwanag kung lumabas sa nabanggit na oras ang dalaga mula sa department store na pinagtatrabahuhan nito dahil diumano ay ayaw ibigay ng Robinsons Palace ang kopya ng closed circuit TV footage na maaaring makapagbigay ng mga impormasyon.
Sinabi naman ni Congressman Hagedorn na iuutos niya ang imbestigasyon sa pamunuan ng Robinson Palace department store dahil sa hindi pakikipagtulungan sa isinasagawang pagsisiyasat.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.