PHP449,000 na halaga ng droga naharang sa Rizal; 2 drug dealer arestado

0
259

San Mateo, Rizal. Arestado ang dalawang suspek na drug dealer sa kahabaan ng Gen. Luna Hi-way, Brgy. Ampid 1, sa bayang ito sa ilalim ng drug buy-bust operations na ikinasa kanina ng mga tauhan ng Police Intelligence Unit at Police Drug Enforcement Unit ng Rizal Provincial Police Office sa pangunguna ni Police Lieutenant Jackson A. Aguyen.

Kinilala ni Director ng Police Regional Office 4A, Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang mga suspek na sina Lucky Teves Saavedra alyas ‘Lucky’, high-value individual, 27 years old, at residente ng Salamat St., Matahimik Compound, Brgy. Ampid II, San Mateo, Rizal; at Rodsan Baluyot Amparo alyas ‘Unsoy’, 32 anyos na residente ng Kalayaan St., Brgy. Ampid 1, San Mateo, Rizal. 

Nakuha sa kanila ang labing isang  (11) sachet na naglalaman ng humigit kumulang na 66 gramo ng hinihinalang shabu na may Dangerous Drugs Board Standard Value na ₱448,800.00. 

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.