PHP50-M Socio Civic Fund, tinanggap ng SPC para sa SPCGH

0
679

Tinanggap ng lungsod ng San Pablo ngayong araw ang halagang Limangpung Milyong Piso (50,000,000) mula sa Socio Civic Projects Fund ng Office of the President bilang karagdagang Trust Fund ng San Pablo City General Hospital (SPCGH).

Nauna dito, ibinalita ng Seven Lakes Press Corps  (SLPC) na bukod sa tinatanggap na dalawang milyong piso (2,000,000) para sa buwanang pondo ng Malasakit Center na nasa loob ng SPCGH ay may pondo pang inaasahang darating upang higit makatulong sa pagpapatakbo ng SPCGH.

Lahat ito ay naisakatuparan sa kabutihang loob at patuloy na pagsuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, ng Department of Health at ni Senador Bong Go.

Habang isinusulat ang balitang ito, napag alaman ng SLPC na may panibagong dalawangpung milyong (20,000,000) ang ibibigay na dagdag na tulong mula sa pambansang pamahalaan at nakalaan din ito para sa SPCGH.

Sa ngalan po ng mamamayang San Pableño, maraming salamat po, PRRD.

Malasakit Center Office sa San Pablo City General Hospital na inilunsad ni Sen. Bong Go, San Pablo City Mayor Loreto S. Amante, Chief of Hospitals James Lee Ho at San Pablo City ABC Pesident Maning Amante. Ang Malasakit Center ay isang One-Stop Shop kung saan ang mga mahihirap na pasyente ay mahusay na makaka-access ng tulong pinansyal mula sa mga ahensya tulad ng PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office, at Department of Social Welfare and Development.
Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.