Php7.5M na halaga ng shabu, naharang ng Rizal PNP

0
555

Taytay, Rizal. Nakumpiska ang malaking bulto ng hinihinalang shabu na may Dangerous Drug Board value na Php 7,480,000.00 sa tatlong suspek na nadakip sa isang buy-bust operations na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEU) at ng Intelligence Operatives na pinangunahan ni PLT Michael V. Legazpi Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni Pililia Police Station Chief PMaj Joel Custodio.

Batay sa paunang report, may kabuuang 1.1 kilos ng pinagsususetsahang shabu ang nakuha sa mga suspek na kinilalang sina Dierick Dela Cruz, 24 years anyos na  residente ng Marikina City;  Jeffrey Dimaano alyas Jepoy, 29 anyos at Jeffrey Dalaodao, 35 anyos, pawang mga naninirahan sa San Mateo, Rizal.

Kinuha din ng mga pulis ang mga motorsiklo na gamit ng mga suspek na Suzuki Skydrive 125 at  Yamaha Mio Sporty.

Ang mga naarestong suspek ay dinala sa San Mateo MPS at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Section 5, 11 at 26 ng RA 9165 habang ang mga ebidensya ay dadalhin sa Rizal PNP Forensic Group para sa forensic examinations, ayon sa report ni Rizal Police Provincial Office Director PCol Dominic L. Baccay kay Regional Police Region 4A Calabarzon Director Brig. General Antonio C. Yarra.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.