Phreatomagmatic burst, kasalukuyang nagaganap sa bulkang Taal

0
314

Patuloy na nag-alburuto ang bulkang Taal at kasalukyang nagaganap ang phreatomagmatic burst mula 10:39 am, ayon sa ulat ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). 

Ang patuloy na kaguluhan sa Bulkang Taal sa ngayon ay nakaapekto sa 7,237 mamamayan, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kanina.

Sa pinakahuling ulat ng sitwasyon, sinabi ng ahensya naang nabanggit na bilang ay katumbas ng 2,047 pamilya sa 18 barangay sa lalawigan ng Batangas.

May kabuuang 20 evacuation centers ang kasalukuyang nagsisilbing ng tirahan ng 1,209 pamilya o humigit kumulang na 4,165 mamamayan.

Samantala, 500 pamilya o 1,952 tao ang tinutulungan sa labas habang ang iba ay nakisilong sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Mahigit P1.2 milyong halaga ng tulong ang naibigay na sa mga apektadong mamamayan.

Ayon sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV na ang limang high-risk barangay ay ang Banyaga at Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo at Boso-Boso, Bugaan East, at Gulod ng bayan ng Laurel.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.