Pichay sinentensyahan ng 30 taon hinggil sa LWUA graft case

0
339

Hinatulan ng anti-graft court si outgoing Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. ng hanggang 30 taong pagkakakulong dahil sa diumano ay maanomalyang pagbili ng lokal na thrift bank sa kanyang termino bilang chairman ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Ang mga kaso laban kay outgoing Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. ay nag-ugat sa acquisition ng Express Savings Bank Inc., isang lokal na thrift bank na nakabase sa Laguna sa loob ng kanyang panunungkulan sa Local Water Utilities Administration na dati niyang pinamumunuan.

Sa 66-pahinang desisyon na ibinaba noong Hunyo 7, hinatulan ng Sandiganbayan Fourth Division sina Pichay at dating LWUA acting deputy administrator Wilfredo Feleo Jr. na guilty sa tatlong bilang na paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act No. 3019, ang Anti-Graft at Corrupt Practices Act.

Sina Pichay at Feleo ay sinentensiyahan ng anim hanggang 10 taon na pagkabilanggo para sa bawat bilang o kabuuang pagkakakulong na 18 hanggang 30 taon. Iniutos din ng korte ang kanilang perpetual disqualification mula sa pampublikong opisina.

Sa parehong desisyon, pinawalang-sala ng Sandiganbayan sina Pichay at Feleo sa isang paglabag sa Manual of Regulation for Banks (MORB) kaugnay ng RA 7653, ang New Central Bank Act, para sa “failure of the prosecution to prove their guilt beyond reasonable doubt. ”

Inihain ng Office of the Ombudsman noong 2016, ang mga kaso na nag-ugat sa pagbili ng LWUA ng Express Savings Bank Inc. (ESBI), isang lokal na thrift bank na nakabase sa Laguna at pag-aari ng Forum Pacific Inc. (FPI) at ang WELLEX Group Inc ng pamilya Gatchalian. (WGI).

Nakuha umano ang bangko nang walang kinakailangang pag-apruba ng Office of the President, Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) o ng Department of Finance (DOF).

Samantala, sinabi ni Pichay kanina na uubusin niya ang lahat ng legal na remedyo upang hamunin ang hatol ng Sandiganbayan na nagkasala siya kaugnay sa kuwestiyonableng PHP780-million deal noong siya pa ang chair ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Ginawa ni Pichay ang pahayag matapos silang mapatawan ng pagkakakulong ng anim hanggang 10 taon sa kanya at sa kanyang deputy administrator na si Feleo. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.