Pigilan ang pagkalat ng Covid-19: Omicron variant ay posibleng magdudulot ng panibagong wave ng impeksyon

0
438

“Pigilan ang pagkalat ng Omicron variant na magdulot ng panibagong wave ng mga impeksyon,” ayon sa babala si Philippine Red Cross Chairman and CEO Sen. Richard Gordon sa mga awtoridad at sa general public noong Huwebes, Disyembre 30.

Ang Pilipinas nakapagtala ng pinakamataas sa isang araw na tally na 1,623 bagong kaso ng COVID-19 mula noong Nobyembre 21. Ang positivity rate o porsyento ng mga taong nagpositibo sa virus laban sa kabuuang populasyon na nasuri ay umakyat sa 6.6%, na nagpapahiwatig ng mataas na transmission rate ayon sa mga pamantayan ng World Health Organization (WHO), at ito ang pinakamataas na naitalang bilang ng bansa mula noong Oktubre 31.

“There is no room for complacency and inaction especially during the holiday season when more people are out and about. Let us make haste slowly. We need to provide jobs and opportunities for our people to start paying back our PHP 11.9 Trillion debt and recovering our economic standing, but we must do so without compromising public health and safety, especially amid the threat of the Omicron variant,” ayon kay Gordo.

Binanggit nya ang sinabi ni WHO Director-General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus ukol sa babala ng “tsunami of cases” na dulot ng “kambal na banta” ng mas nakahahawang mga variant ng Omicron at Delta.

Bagama’t ang Department of Health (DOH) ay naka-detect lamang ng 4 na kaso ng Omicron variant, ito ay kasalukuyang nananasalasa sa buong mundo. Ang United States ay nag-ulat ng isang record-breaking na 7-araw na average ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa 258,312, habang ang France ay nagtala ng isang bagong pambansa at European record na 208,000 na araw-araw na impeksyon. Halos 800 kaso ng Omicron ang nakita sa India, na nagpapataas ng pangamba sa isa pang wave ng pandemya, ayon sa report.

“The Philippines cannot afford another surge of infections that will overwhelm our already burdened public health system. We need to prepare our healthcare workers and equip our facilities to isolate and treat the infected,” ayon sa Red Cross chairman.

Hinikayat ni Gordon ang mga kaukulang ahensya na magpalakas ng routine testing sa komunidad, manggagawa at mga mga healthcare workers  upang matukoy, maiwasan at matugunan ang posibleng transmission ng Omicron.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo