Pilipinas naglalagay ng buoy sa  South China Sea upang igiit ang soberanya

0
239

Maynila. Naglalagay ang Pilipinas ng mga navigational buoy sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) nito upang ipahayag ang soberanya sa pinag-aagawang Spratly Islands sa South China Sea, ayon sa salaysay  ng tagapagsalita ng coast guard noong Linggo (Mayo 14).

Ang hakbang na ito ay kasunod ng lumalalang kilos ng China sa  South China Sea habang isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mas mahigpit na ugnayan sa kaalyadong Estados Unidos.

Sinabi ng Philippine Coast Guard na naglagay sila ng limang buoy na may bandila ng Pilipinas mula Mayo 10 hanggang Mayo 12 sa limang lugar sa loob ng 322 km na zone, kasama ang Whitsun Reef kung saan nagbabanggaan ang daan-daang barkong pandagat ng China noong 2021.

“Ipinapakita ng hakbang na ito ang matibay na determinasyon ng Pilipinas na pangalagaan ang kanyang mga hangganan at yaman sa karagatan at bilang pagkilos para sa kaligtasan ng kalakalang pandagat,” ayon sa post sa Twitter ni Commodore Jay Tarriela, ang tagapagsalita ng coast guard sa mga South China Sea issues.

Hindi agad sumagot ang embahada ng China sa Manila sa kahilingan sa pahayag.

Noong Mayo 2022, naglagay din ang coast guard ng limang navigational buoy sa apat na isla sa Spratlys.

Ang pahayag ng China na mayroon itong soberanya sa halos buong South China Sea ay ibinasura ng isang international arbitration ruling nong 2016.

Ang Brunei, Malaysia, Taiwan, at Vietnam ay naghahabol din ng pagmamay ari sa Spratlys, kung saan nagtambak ng buhangin ang China upang magtayo ng mga isla sa mga bahura at naglagay dito ng mga missile at runway.

Sa loob ng mga taon, nagpadala ang Beijing ng daan-daang barkong pandagat at pangingisda sa mga pinagtatalunang lugar.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.